MALAKING pelikula ang “Hello Love Goodbye” ng Star Cinema at pinagbibidahan ng Kapuso actor Alden Richards at Kathryn Bernardo ng Kapamilya network. Nakatakdang ilabas na ito sa darating na Agosto kung kaya ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa pagtuntong ni Alden sa ABS- CBN 2 para i-promote ang movie nila ni Kathryn at siyempre pa, si Kathryn naman sa baku-ran ng GMA-7. Ngayon pa lang ay hinuhulaan na malabong makapag-promote si Alden sa mga programa nang Dos na “It’s Show-time” at “ASAP natin to” sa kadahilanang ang dalawang programang ito ng Dos ay katapat sa show si Alden kung saan ay isa siya sa regular host, ang “Eat Bulaga” at “Sunday Pinasaya” respectively.
So ang natitirang option para sa guesting ay si Kathryn ang muling babalik sa Siyete at pwedeng mag-promote sa EB at SPS. Hindi na rin naman bago kay Kathryn ang pagtuntong sa Siyete. Gumawa siya noon ng isang teleserye sa Siyete na kung saan ay bida sina Marian Rivera at Ding-dong Dantes, at ang kaloveteam noon ni Kathryn ay si Kristoffer Martin na nanatili sa Kapuso Network, ang “Endless Love”. Malamang ay gustong-gusto ito ni Kathryn na mag-promote sa Siyete hindi na lang dahil sa promo ng kanyang pelikula kundi ang muli nilang pagkikita ng kanyang ate-atehan sa showbiz na si Marian na isang mainstay host sa SPS. Kung malabo sa “Its Showtime” at “ASAP natin ‘to” si Alden malamang puwedeng-puwede siya sa “Magandang Buhay” at “Tonight With Boy Abunda”. ‘Yan ngayon ay ang aabangan ng mga televiewers, ang pagtungtong ni Alden sa Kapamilya Network, samantalang kaabang-abang din ang pagbabalik-Kapuso ni Kathryn.
SOPHIE ALBERT DUMARAMI ANG KAGALIT
HALONG saya at lungkot ang nadarama ngayon ng young Kapuso actress na si Sophie Albert, dahil sa nagiging reaksyon ng televiewers sa kanyang role bilang kabit ni Jason Abalos na mister ni Max Collins sa teleserye nilang “Bihag”.
Simula raw nang lumabas na ang karakter nila ni Jason ay marami nang bash ang natatanggap ni Sophie, pero nang dumating na ang eksenang nagkapisikalan na sila ni Max ay mas tumindi ang mga bash kay Sophie sa kanyang social media account, hindi lang bad words ang kanyang natatanggap kundi may pagbabanta pa ng pisikalan.
May nagsabi pa nga kay Sophie na sasabunutan siya ng isang televiewers pag nakita niya ito ng personalan dahil daw sa pinaggagawa niya kay Max. Masaya si Sophie sa mga reaksyon at komento sa kanya dahil feeling ng young actress ay nabigyan niya ng justice ang kanyang karakter, malungkot siya dahil sa nauugnay ang kanyang karakter sa tunay na buhay.
Ani ni Sophie, malayong-malayo raw ang kanyang tunay na asal sa karakter na kanyang ginagampanan sa “Bihag” kaya pakiusap niya sa haters na sana ay huwag siyang pag-isipan ng masama.
Comments are closed.