KATHRYN BERNARDO AMINADONG KAPUSO ANG INIDOLO NANG HUSTO

wallfacePAGKATAPOS halos ng mahabang panahon ay muling tumuntong si Kathryn Bernardo sa bakuran ng GMA-7 para sa promo ng movie nila ni Alden Richards. Sa morning show na “U­nang Hirit” nag-guest si Kathryn. Kitang-kita sa mukha ni Kathryn ang labis na kasiyahan na muling nasilayan ang kanyang byuti sa Kapuso Network lalong-lalo nang magpakita ng isang video ang “Unang Hirit” kay Kathryn kung saan ay gumanap siya bilang younger Marian Rivera sa Pinoy adaptation nang sikat na sikat na Korea­nobela noon na “Endless Love’.

Nagbalik sa alaala ni Kathryn na halos 12 years old lang daw siya noon at nakasama pa niya sina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon na magsama sina Kathryn at Marian sa kahit isang eksena sa naturang soap, pero naging close naman sila sa isa’t isa.

Kung kaya ‘pag magkikita sa isang event ay hindi maiwasan ng isa’t isa na magkayakapan. At nang matanong si Kathryn kung sino pa sa Kapuso Network ang gusto niyang makasama sa isang project, si Marian ang kanyang isinagot.

Dagdag pa niyang tugon, para sa kanya, si Marian ang pinakamagandang artistang nakita niya at hindi niya itinatago na hanggang sa ngayon daw ay starstruck pa rin siya kay Marian.

RAYVER CRUZ AYAW MADALIIN ANG KASAL NILA NI JANINE

rayver and janineTAHIMIK si Rayver Cruz pagdating sa kanyang personal na buhay. Wala halos mabalita hinggil sa relasyon nila ng rumored girlfriend na si Janine Gu­tierrez. Ang masaya pa nito, ang soap niyang “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” nila nina Kris Bernal at Megan Young, ang papalit sa magtatapos na teleserye naman ng girlfriend na “Dragon Lady.”

At nang kamustahin ang actor sa lagay ng relasyon nila ng rumored girlfriend, ganoon pa rin daw tulad ng dati ang kanilang sitwasyon, exclusively dating. Ang maganda raw sa ngayon ay mas lumalim na ang kanilang pagmamahalan to the point na magkasama na silang nagpupunta sa ibang bansa.

Pero klinaro ng actor na hindi lang naman daw silang dalawa ni Janine ang magkasamang nagliliwa­liw sa ibang bansa, kasama rin daw ang pamilya ni Janine, open na raw kasi siya sa pamilya ng girlfriend sa pagsama-sama sa family tour nito. At sa takbo naman ng kanilang relasyon, masasabi na rin naman na tila natagpuan nila sa isa’t isa ang ‘forever’. Kailan naman kaya plano nila Rayver at Janine na magpakasal na?

Ani ng actor, hindi naman daw nila minamadali ang pagpapakasal, bagkus mas gusto ni Rayver na magkaroon pa ng mahabang pakikipagrelasyon, peg niya kasi ang kuya Rodjun Cruz niya na inabot din halos ng 10 years bago mag-propose sa gf na si Dianne Medina.

Comments are closed.