KATHRYN BERNARDO ‘DI PINAYAGANG MAG-PROMOTE SA EAT BULAGA

hotshotsSA Sunday Pinasaya lang ng GMA 7, puwedeng mag-promote si Kathryn Bernardo para sa movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye under Star Cinema, ayon sa mga post sa social media.

Si  Alden naman, ayon na rin sa social media ay sa dalawang morning show ng ABS-CBN lang puwede mag-promote ng kanil-ang movie na idinirek ni Cathy Garcia-Molina— ang Umagang Kay Ganda at Ma-gandang Buhay na sinang-ayunan ng kanyang management  na puwedeng puntahan.

Nagtatanong tuloy ang ilang netizen na kaya bawal si Kathryn mag-promote sa EB ay dahil nandoon si Maine Mendoza  kaya off-limits sa noontime show ang leading lady ni Alden sa Hello, Love, Goodbye.

Sa mga hindi pa nakaaalam ay blocktimer ng Eat Bulaga kaya walang problema or conflict ‘yon, ‘di ba?

Well, nasa pa­ngangalaga ng kanilang network ang desisyon ng dalawa at sila ang may karapatang mag-decide kung saan lang puwedeng show puwedeng mag-promote sina Alden at Kathryn.

Samantala,  sa June 29 magkakaroon  ng grand  fan meet sina Kathryn at Alden sa isang mall at kasabay nito ang paglabas ng merchandising  items ng promo ng kanilang movie.

ANDI EIGENMANN WALANG BALAK PAKASAL SA BF NA TAGA-SIARGAO

ANDI EIGENMANNWALANG balak kumuha ng kasambahay si Andi Eigenmann kapag isinilang na niya ang anak nila ng boy-friend na si Philmar Alipayo dahil gusto nila maging hands-on parents.

Si Philmar daw ay hands-on father sa dalawa nitong anak sa kanyang ex-wife. Tumira raw ang mag-ama sa France at nagde-sisyong magbalik-Pinas nang maghiwalay na sila ng asawa.

Mas madali na raw kay Andi ang pagbubuntis ngayon dahil na rin daw sa pag-alalay sa kanya ni Philmar.

Tungkol naman sa paglagay sa tahimik ay hindi  raw nila ‘yun pinag-uusapan ng boyfriend.

“Marriage is not something that I think about. I just feel, like, if you`re  more traditional, you`d  want to get married. I used to think I had to, but having Ellie and loving my life now and where I am being so happy, this life is enough for me.

“But if I were to get married, I think that would make me happy also. But it`s not something  that I need to experience  in my life,” say pa ni Andi.

SHERYL CRUZ MAY NAGPAPASAYANG CHINITO

SHERYL CRUZBIGLANG natahimik si Sheryl Cruz matapos matalo sa nakaraang election nang tumakbong Konsehal sa second district ng Manila.

Pero heto at biglang nag-post siya sa kanyang Instagram nang dumalo sa senior graduation ng kanyang anak na si Ashley Bustos sa San Francisco, California, last June 8 sa Scottish Rite Masonic Center in San Francisco. Doon ay muli silang nagkita ng kanyang ex-husband at ama ni Ashley na si Norman Bustos.

Sa post ay makikitang masayang-masaya si Sheryl sa pagtatapos ng kanyang anak. Pinost din niya ang larawan ng anak kasama ang ama nito na si Norman.

Bukod sa photo ng mag-ama ay wala nang iba pang larawan na ipinost si Sheryl. Wala rin silang la-rawang tatlo na magkakasama.

Ikinasal si Sheryl kay Norman noong 1997 at nag-divorce sila noong 2008.

Noong pang June 7  nasa US si Sheryl  at tila masaya at nag-e-enjoy ito sa kanyang bakasyon.

Totoo kaya ang tsika na isang Chinitong guy sa Sacramento, California ang nagpapasaya ngayon kay Sheryl?

Comments are closed.