KATHRYN BERNARDO GUSTONG MAKASAMA SI MARIAN RIVERA SA PROYEKTO

ANG saya ng presentation ng “Unang Hirit” noong Friday, July 12, nang bumisita si showbiz eyeKapamilya actress Kathryn Bernardo sa GMA Network para mag-promote ng first movie team-up nila ni Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye” for ABS-CBN Productions (Star Cinema).  Kita mong welcome na welcome si Kath ng mga hosts ng morning show at doon sa interview portion sa kanila ni Alden, sina Suzi Entrata at Luane Dy ang kumausap sa kanila. Taped as live ang portion na iyon at habang ipinapalabas, nano­nood naman ang lahat ng hosts ng morning show.

May mga flashback photos na ipinakita sa show, noong nagpi-pictorial si Alden noong 2010 na nasa GMA na rin siya, at si Kath, nang unang gumawa siya ng teleserye, si Kathryn sa GMA, nang siya ang mapiling gumanap na batang Marian Rivera, si Jenny Cruz, sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang “Endless Love” in 2010, na 12 years old pa lamang siya.  Si Kristoffer Martin ang nakatambal niya as the young Dingdong Dantes, si Johnny Dizon.

Kaya isa sa naitanong kay Kathryn kung sakaling payagan din siya ng ABS-CBN na makagawa sa GMA, tulad ng chance na ibinigay ng GMA kay Alden para makagawa sa ABS-CBN, sino ang gusto niyang makasamang artista after ni Alden?

“Si Marian Rivera po,’’ sagot ni Kathryn.  “Hindi man po kami nagkaeksena noon sa “Endless Love,” dahil nag-abot ang taping namin as the young Jenny at si Marian, pero paminsan-minsan ay dumadalaw siya sa set, kaya nagkaroon din ako ng chance na makasama siya, na-starstruck po ako sa kanya talaga. Hindi po doon natapos ang friendship, every now and then nagkikita kami kapag may mga showbiz functions.  Noong debut ko, inimbita ko siya at masayang-masaya ako nang dumalo siya.  Para po sa akin, si Marian ang pinakamagandang artista sa buong mundo.”

Anyways, nag-number one trending topic sa twitter ang #KathAldenOnUH, kahit sabi ay sinabayan sila ng “Uma­gang Kay Ganda” ng ABS-CBN. Pero maikli daw lamang ang ipinalabas nila kaya baka may ibang schedule naman sila para mapanood din ng mga fans na hindi napanood ang ipinalabas nila.

Malaking oras ang ibinigay ng UH kina Alden at Kath, pero hindi natapos ang kanilang segment.  Kaya may aabangan pa muli ang mga fans nila na part 2 ng #KathAldenOnUH sa Monday, July 15.

WAGAS  MAY BAGONG TIMESLOT SA BAGONG BAHAY

MAGANDANG balita sa mga sumusubaybay ng award-winning romance anthology wagasna “Wagas,” na dating ipinalalabas sa GMA News TV every Saturday evening.  Pero ngayon ay ibabalik muli sila sa bagong time slot at bagong bahay, dahil simula sa August, 2019, mapapanood na sila tuwing umaga sa GMA 7 at one month-long itong mapapanood araw-araw.  Six years ding tumagal ang romance anthology.

At sa pagbabalik ng show, itatampok sa pilot episode, ang first love story na gagampanan nina Sunshine Dizon at Mike Tan, after nilang magtambal sa “Ika-6 Na Utos, two years ago.  Makakasama rin nina Sunshine at Mike sina Regine Angeles at ang child star na si Leanne Bautista.  Sa direksyon ito ni Adolf Alix Jr.

Comments are closed.