KATHRYN BERNARDO HANDA NA ULING MAGMAHAL

Handa na uling umibig at magmahal si Kathryn Bernardo sakaling dumating ang tamang lalakingf muling magpapatibok ng kanyangg puso.

Naka-get over na raw kasi siya sa natapos niyang 11-year relationship kay Daniel Padilla at sa palagay niya ay kaya na kaya na niyang magtiwala uli. Marami rin daw naman siyang natutuhang leksyon sa pakikipagrelasyon niya kay Daniel. Ni hindi raw nga niya alam kung masasabing depenisyon ng pagmamahal ang naging damdamin niya kay Daniel dahil iisa lamang ang nakarelasyon niya. Baka infatuation lamang ito na napagkamalan niyang love — at dahil siya ang klase ng taong hindi basta-basta bumibitaw sa relasyon, nagtagal sila ni Daniel at umabot pa nga ng 11 years.

“I’ve learned so much from my past relationship,” ani Kathtyn.  “I’m talking about growth. I’m talking about being unselfish, gratitude, dreams, and all.

Pagkatapos raw ng breakup, feeling daw niya ay work in progress siya, pero hindi pa rin niya alam kung ano ang real definition of love. Basta ang alam daw niya ay maaari itong matagpuan kahit saan.

Pinagsisisihan raw ni Kathryn na inabot ng labing-isang taon ang pakikipag­relasyon niya kay Daniel. Pero dahil nangyari na at hindi na ito mababago, ayaw na niyang isipin pa ito. Basta tapos na.

“It was eleven beautiful years,” aniya. “Kung ano yung nakikita niyo sa akin ngayon, ang laking part ng eleven years na yon.”

Okay lang daw ang lahat dahil na-experience niya ang lahat ng emotions na naging malaking bahagi ng kanyang growth.

RLVN