SA pagseselebreyt ng ika-7 taon ng kanilang pagmamahalan ay isang liham na punong-puno ng pagmamahal ang regalo ni Kathryn sa kanyang love na si Daniel Padilla. At ang liham din na ito ang tutuldok sa pilit na pag-uugnay sa kanila ni Alden Richards sa isa’t isa dahil may pelikulang ginawa ang dalawa.
Sa naturang liham, doon ibinuhos at ipinamahagi ni Kathryn ang pagmamahalan nila ni Daniel. Ang mga katangian ni Daniel na binigyan ni Kathryn ng buhay sa paghahalintulad sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga movies na kanilang pinagsamahan.
Sinabi rin ni Kathryn sa syota na kahit ‘yung mga bagay-bagay na ayaw niyang ginagawa ng boypren ay unti-unti na niyang natatanggap at niyayakap. Say pa rin ni Kathryn na dahil sa pagiging totoong tao ng kanyang boypren, ang pagsasabi ng mga bagay-bagay na masakit man ay hindi itinatago.
Ang pagiging totoong tao nito ang isa sa katangian ng boypren kung bakit niya ito minahal ng husto at kung bakit nagtagal ang kanilang relasyon. Sa huli ay pinasalamatan pa ni Kathryn si Daniel sa pamamagitan ng pagsasabing “salamat sa pagiging dream guy niya at naging reality guy” ng buhay ni Kathryn at sinabi pa ng young actress, ang mahalin si Daniel ang pinakamatindi at pinakamagandang desisyon na ginawa niya raw sa kanyang buhay.
Sa pagbalik sa senado
BONG REVILLA BABANTAYAN NG TAONG BAYAN
HINDI lingid kay Mayor Lani Mercado-Revilla na kaliwa’t kanan ang naging batikos sa muling pagtakbo ng mister sa senatorial election. Pero sa kabila ng mga masasakit na paninira kay Bong Revilla ay nanalo ito bilang senador.
Para kay Lani, ipapasa-Diyos na lang daw niya lahat ng mga taong pilit winawasak ang kanyang mister. Ani pa ni Lani, masakit din ito para sa mga botante at naniniwala pa rin kay Sen. Bong lalong-lalo na raw ‘yung mga mahihirap na magsasakang nagtiwala sa kanyang mister. Sigaw naman ng supporters ni Sen. Bong, bigyan ng second chance ang senador para ipakita ang tunay na pagbabago.
Pero ang mga hindi naman pabor kay Bong, isa pa rin ang kanilang sigaw, ibalik ang pinasosoling pera na galing sa DAP.
Well, sa pagbabalik ni Sen. Bong sa senado, malamang isa siya sa mga senador na babantayan ng taong bayan.
Comments are closed.