KATHRYN BERNARDO LAGING MAY ACTIVITY PARA ‘DI MAINIP; DANIEL PANAY ANG CHECK

THANKFUL ang Box Office Queen na si Kathryn  Bernardo na okey ang pamilya niya sa gitna ng COVID19 virus pandemic.reflection

Kuwento ni Kathryn sa “Magandang Buhay,”  “Alam n’yo ‘yon? May mga problem ngayon, suwerte tayo na may nakakain tayo everyday. Kasama ‘yung family dito. So, ginagawa na lang namin everyday, may activity kami.”

May activity raw sila sa bahay para may nilu-look forward lang na gagawin for the day.

“At saka maging productive  pa rin ‘yung araw.  Yung pag-luluto, yung mga hindi ko nagagawa. Naglilinis!  Puro linis na lang kami lahat ngayon. Lahat ng general cleaning at pagtutupi ginawa ko kasi matagal ko na ‘yun gustong gawin. Tapos, ngayon lang talaga nagkaroon ng oras.”

And more importantly daw ay ‘yung time with the family.

“Kasi, parati ‘pag may work  tayo sinasabi natin, gusto magpahinga. Time with family. Eto, binigay ngayon sa ganitong sitwasyon. So, mina-maximize namin lahat ngayon.”

Sa loob din ng 46 days, inusisa naman ni Momshie Melai kung gaano na niya nami-miss ang boyfriend niyang si Daniel Padilla.

“Si DJ, parati naman nagme-make sure na meron kaming nakakain dito. Kasi, limited lang ‘yung nakakalabas sa bahay. Ta-pos, medyo wala rin ngayong magda-drive. So minsan, siya  ‘yung magpapadala dito ng pagkain.”

Kinilig naman si Momshie Jolina sa kuwento ni Kathryn  tungkol kay Daniel na nagpapadala ng pagkain sa kanya.

“Para maiwas na ‘yung  paglabas  namin, siya ‘yung nagpapadala  rito. Tapos, sinabi na lang  namin  after nito, doon na lang mag-celebrate ng birthday ko, birthday niya. So, lahat ng plans.”

Meaning, 24 hours nakatutok sa kanya si Daniel via video call, ask ni Momshie Melai   kay Kathryn.

“Parati nag-a-update, ‘Anong  ginagawa mo?’ ‘Eto, nagwo-workout, nagluluto, atsu-tsu-tsu.’ Para lang alam niya ‘yung nang-yayari.”

Para lay Kathryn, mas.pinatibay daw ng quarantine ang samahan nila ni Daniel sa pamamagitan ng pagbibigay halaga nila sa isa’t isa.

“’Yun ‘yung pinaka-na-test dito. ‘Yun ‘yung pagkakamusta sa pamilya ko, kung paano ako naman sa side niya. Parati niyang tinatanong kung naka-lock ba ang pinto ninyo, ‘I-double check mo. Bumaba ka,’ ganyan. Alam mo ‘yung…little things na pagtse-tsek. Tapos  mini-make sure kung ano ‘yung kailangan namin dito.  ‘Yung mga ganoong bagay,”  diin pa niya.

 

JANNO GIBBS GUMAWA NG MUSIC VIDEO NA ‘THAT’S QUARANTAINMENT’

ANG SARAP ng feeling habang pinapanood ang ginawang “music video” na ipinost ni Janno Gibbs sa kanyang Instagram account na pinamagatan niyang  “That’s Quarantainment.”

Kasama ni Janno sa video ang sikat na loveteams sa dating youth-oriented show ni German Moreno sa GMA7, ang “That’s Entertainment.” Gaya ng ex ni Janno, on-and-off screen na si Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Tina Paner, Ramon “Monching” Christopher, Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz.

Last night, nilabas ni Janno ang “official” version ng ginawa niyang video. Pero mahigit 70K na agad ang views nito at 3,110 comments in less than 24 hours.

Eto ang caption ni Janno sa ibaba ng  video,  “This quaran-tine has given us all a chance to re-connect with old friends. So I invited some of mine for this and they all came through! Here’s to all of us who get by with a little help from our friends.     ️ @manilynreynes27 @officialsherylcruz @tinapaner71 @sarmentaromnick @monchinggutz @kimpster888    .”

Nakakatuwang makitang muli ang mga “alaga” ni Kuya Germs na sama-samang kumakanta ulit kahit sa video lang.

Bukod sa magkakapareha onscreen, naging real sweethearts din ang magkaka-loveteam.

Una, sina Monching at Tina. Then, sina Manilyn at Janno. Tapos sina Sheryl at Romnick.

Pero nagkahiwa-hiwalay sila at nagkaroon ng kanya-kanyang partners in life. And sad to say, most of them ay nahiwalay din sa kanilang mga unang  “legal partners” in life.

Except for Manilyn Reynes na happy and smooth pa rin ang pagsasama with Aljon Jimenez.

Now, “single” na ulit ang iba sa kanila like  Monching and Tina.

Hiling naman ng ibang “That’s Entertainment” fans, mapanood din ang magkaka-labtim noon na kumakanta ng love sa isang concert.

Comments are closed.