MEDYO speechless kami sa pictures at video sa aming FB account na nagpapakita kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na agad nag-trending sa Twitter. Nag-surprise visit si Daniel sa syotang si Kath na nasa Hong Kong para sa siyuting ng Hello, Love, Goodbye!
Parang nasira ang magandang imahe na nakita namin kay Kath bilang isang mahinhin mula sa kanyang pagkabata. But in fairness, naintindahan namin ang kanyang sobrang saya sa biglang pagdating ni Daniel sa Hong Kong noong April 19. Hindi kami nagtaka kung mangiyak-ngiyak ito nang makita ang aktor at hindi napigilan na lundagin niya ito at yakapin ng sobrang higpit. Nagpapatunay kung gaano niya kamahal si Daniel at kung gaano niya ito na-miss.
Ang mali ay ‘yung kumuha ng video at pictures na hindi na lang sana ipinost sa social media kasi hindi maganda ang pagkayakap ng aktres sa aktor dahil sabay sa kanyang paglundag at yakap na nakabukaka to-the-max, nalaswaan po kami. Masagwa tingnan ang yakapan nila pero alam namin na nagdulot ‘yun ng sobrang kasiyahan sa mga tagahanga.
Sana naging discreet sila dahil hindi isa, dalawa o tatlo lang ang kanilang mga tagahanga kundi milyones ang nakakita sa kanila na ‘di dapat pampubliko.
COCO AT YASSI NASA JAPAN SA GITNA NG KONTROBERSYA
NAGULAT kami sa mga larawan at video na naka-post sa FB account namin na nagpapakita kina Coco Martin at Yassi Pressman na magkasama sa Japan habang tinitipa namin ito. Puwedeng isiping lalong mag-iinit ang isyu kay Yassi na siya ang third party umano sa relasyong Coco at Julia Montes.
Paano naman, mainit ang balitang nanganak si Julia eh, umeeksena raw itong si Yassi dahil noong nag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda ay nasabi nitong natatakot siya na baka pag-initan siya ng mga Coco-Julia fans.
Aniya, walang malisya ang kanilang closeness ni Coco na talagang hindi maiiwasan dahil siya ang leading lady ni Coco sa FPJ’s Ang Probin-syano.
Nakahinga kami ng maluwag nang mabasa namin ang write-up na kasama nila ang ibang cast ng top-rating serye ay para sa “Kapamilya Fiesta World Japan,” noong Sunday, April 21 sa Ichikawa City Cultural Hall sa Chiba prefecture.
Base sa mga post sa @cocomartin_ph Instagram page ay nagpapakita ng medyo ka-sweet-an ang aktor sa kanyang leading lady nang dumalaw sila sa Asakusa Temple sa Tokyo.
Sa isang picture at video ay nakikitang nakaakbay si Coco kay Yassi habang kinukunan sila ni Issa na kapatid ng aktres sa harap ng Asakusa Temple. Tiyak na mawawala ang malisya sa dalawa dahil ang ka-holding hands ng aktor kahit saan pumunta ay isang matured woman na malamang ay nanay na kasama sa nasabing trip. Samantala, nag-iisa lang si Yassi na naglalakad, walang ka-holding hands.
Comments are closed.