HINDI naitanggi ni Kathryn Bernardo na medyo nanibago siya sa shooting ng Three Words To Forever dahil hindi kasi ang boyfriend niya na si Daniel Padilla ang kasama at partner niya sa movie. Nasanay na kasi siya na si Daniel ang kasama sa mga pelikulang kanyang ginagawa.
Nawala lang ang lungkot ni Kathryn nang puntahan siya sa Ormoc City ng boyfriend na si DJ kung saan sila nagso-shooting nina Sharon Cuneta at Richards Gomez.
Matagal-tagal na rin kasi sila nasa bayan ni Mayor Goma kaya naman nang dumating doon si Daniel ay biglang nagkaroon ng energy si Kathryn.
“Ang tagal ko siyang ‘di nakita e. And parang na-recharge ako noong makita ko siya. ‘Yung okay, ready na ulit,” kuwento ni Kathryn.
Inamin din ni Kathryn na hindi madali para sa kanya ang mag-adjust na hindi si Daniel ang kasama niya sa isang pelikula dahil seven years sila ni Daniel na laging magkasama sa pelikula.
“Alam mo ‘yung kapag pupunta ka sa set ‘di mo siya makikita. Weird, weird siya,” say pa ni Kathryn.
Sa sobrang pagmamahal nila sa isa`t isa ni Daniel at si Kathryn na rin ang nagsabi na parang naninibago at hindi mapakali kapag wala ang boyfriend sa kanyang tabi. Hindi raw kaya mauwi na sa kasalan ang kanilang matamis na pagmamahalan?
Kaagad naman tinutulan ni Kathryn ang pagpapakasal ni Daniel. Masyado pa raw maaga para pag-usapan nila ni Daniel ang kasal. Hindi raw minamadali ang pagpapakasal lalo na raw na hindi pa sila handang lumagay sa tahimik ni Daniel.
SANYA LOPEZ KINILIG NANG MALAMANG CRUSH SIYA NI RENZ FERNANDEZ
AYON sa binatang anak nina Lorna Tolentino at ng yumaong si Rudy Fernandez ay nagagandahan at naseseksihan siya kay Sanya at tila balak ligawan ang ka-partner ni Dennis Trillo sa Cain at Abel.
Kasama rin kasi si Renz sa action/drama series ng Cain at Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis sa role na isang pulis.
Napangiti naman si Sanya na laging sinasabi na siya ay virgin at no boyfriend since birth at sinabi na wala naman daw masama kung liligawan siya ni Renz.
“Pero ayoko pong umasa. Siguro mas maganda na maging magkaibigan muna kami ni Renz,” nakangiting say ni Sanya.
Dahil nasa hustong edad na si Sanya ay hindi na raw makikialam dito ang kanyang kuyang si Jak Roberto. Noon daw kasing bata pa siya ay sobrang istrikto sa kanya ni Jak at bawal ligawan.
“Napaka-strick ni Kuya Jak noon. Ayaw niyang may manliligaw sa akin noon nasa age ako ng 14 or 15. Talagang ayaw niya. Hindi ko naman masisisi si Kuya kasi ever since na nawala ang father namin, siya na ang parang tumayong tatay ng pamilya namin.
“Eh, dalawa lang kaming magkapatid kaya wala akong choice kung hindi sumunod sa kanya, ‘di ba? Kasi kung pasaway ako, nakaamba na ‘yung tsinelas sa akin,” natatawang say pa ni Sanya.
Pero ngayong nasa tamang edad na si Sanya ay naging maluwag na raw sa kanya si Jak.
KRIS BERNAL AT RAYVER CRUZ PATOK ANG SWEETNESS SA NETIZENS
NASA Los Angeles California si Kris Bernal para sa pre-Christmas vacation nila ng kanyang pamilya. Two weeks din sila tatagal sa L.A at matagal-tagal din siya mawawala sa kanyang pang-hapong drama series sa GMA 7, kung saan kasama niya sina Rayver Cruz at Thea Tolentino. Hindi ba naman daw maaapektuhan ang kanilang series dahil nakapag-advance taping na siya.
Patok daw kasi sa televiewers ang sweetness nila ni Rayver bilang magdyowa. Naging open kasi si Kris na hindi pa siya artista ay crush na crush na niya si Rayver. Pero ngayon daw ay hindi na niya ito crush dahil taken na sila pareho ng actor.
Comments are closed.