MASASABING isa nang certified na milyonarya sa edad na 22 ang hottest Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Maliban kasi sa kanyang pag-aartista at product endorser ay naging matagumpay si Kath sa kanyang nail salon business na Kathnails na mula sa unang branch nito sa 5th floor ng The Block SM City North Edsa ay mayroon na siyang 4 na branches ng Kathnails na last year ‘yung pang-apat ay sa Robinson’s Place in Manila na nasa third level of the mall’s Midtown Wing.
Isang malaking factor ng tagumpay ng negosyo ni Kathryn ay ang all-out support sa kanya ng kanyang boyfriend at kalabtim na si Daniel Padilla na nasa resto business naman. At dagdag factor rin ‘yung pag-hire ni Kathryn ng fans nila ni Daniel para maging empleyado sa kanyang nail salon chain.
CAREER NI NICK VERA PEREZ NAGSIMULA
SA SMULE, I AM READY ALBUM TOUR YEAR 3
OVERFLOWING o umaapaw sa saya at tagumpay ang lahat ng mall shows ng international recording artist ng Warner Music na si Nick Vera Perez. Bahagi nito ng kanyang I AM Ready Album Tour Part 3.
Buong month ng May from KCC Mall GENSAN at Zamboanga at SM Malls, Fisher Mall na ang pinaka-successful ay ang SM Pampanga at SM Bacoor na napuno talaga ni Nick at ng protegee niya na si Rozz Daniels at ng young recording artist na si Erika Mae Salas mula ground floor hanggang 6th floor ng mga nabanggit na mall. Sobrang dami rin ang pumila na bumili lahat ng CD Album ni Nick na ipina-autograph sa kanya at lahat ay pinagbigyan niya sa picture taking.
Last Monday naman ay dinumog rin ang mall show ni Nick sa SM Pampanga. Ilan pa sa natitirang schedule sa Mall Tour ng nasabing Singing Nurse(Nick) ay sa June 7 Robinsons Galleria Cebu at Isetann Recto ay mapapanood siya sa June 9.
Sa kanyang official Facebook account ay humingi pala ng paumanhin si Nick sa mga hindi niya nasipot na radio show ni Morly Alinio at Star Awards for Movies dahil sa nagkaroon siya ng matinding flu tulad ng naranasan sa show niya sa Davao na habang nagpe-perform ay nagchi-chill siya pero naniniwala sa kasabihang “the show must go on.” Ang sikreto kung bakit naging mahusay na performer itong si Nick at sanay makipag-interact sa audience kasi nagsimula siya noon sa popular na Online Sing Along na “SMULE” kung saan maraming kababayan natin mula sa iba’t ibang bansa ang nakipag-duweto sa kanya. And infairness humahamig lang naman ng half a million of views si Nick.
DABARKADS CHARLES UNANG WINNER
SA BAGONG GAME SHOW NG EB NA RUSH 4 WIN PHILS
ANG galing talaga ng Eat Bulaga at sila ang unang nakakuha ng rights dito sa Pinas ng pinakasikat at number one fun game show sa bansang Japan na Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs. Bale six contestants ang maglalaro rito at inumpisahan ito sa Eat Bulaga last Friday na ang first winner na tumanggap ng P75K ay si Dabarkads Charles.
Sobrang nakaaaliw ang nasabing game contest, na palakasan ng tuhod at braso ang labanan dito dahil madulas nga ang stairs, kahit nasa itaas na ang mga kalahok, kaunting pagkakamali lang ay babagsak muli kayo hanggang sa ibaba. May chance namang mag-try na muling umakyat at baka sa next round ay suwertehin ng ang isa sa contestant na manalo.
Ang ex-boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad ang host ng nasabing segment kasama sina Jose Manalo at Ryan Agoncillo at may participation din dito ang mga EB hosts sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto na nasa APT Studio naman habang ang Rush 4 Win Philippines ay ginagawa sa iba’t ibang barangay.
Comments are closed.