USAP-USAPAN pa rin ang isyung hiwalayan sa magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit nagpaliwanag na si Kathryn na aksidente lamang ang pagkaka-unfollow niya kay Daniel sa social media tila ‘di naniniwala ang ibang netizens.
Sa mga pahayag ng ina ni Daniel na si Karla Estrada, may pagdidiin siya sa kanyang linya na ang importante hindi ang anak niya ang nabalitang nang-block kay Kathryn.
For sure, may nalalaman si Karla pero ayaw niya siyempre na sa kanya manggaling kung true na hiwalay or may tampuhan sina Kathryn at Daniel. Kaya sinasabi ni Karla, hayaan na lang daw ang dalawa.
Hayaan na lang natin kung sino sa kanila ang unang umamin, ganoon?
Mukhang may malalim na pinagdaraanan talaga sina Kathryn at Daniel ngayon. As of this writing, we heard nasa Japan si Daniel, minus Kathryn, ha.
And prior to this, may kinagigiliwang babae raw si Daniel na taga-Batangas. Karugtong pa ng balitang magpapahinga muna si Daniel for one month.
Samantala, bigla naman ang balitang may bago ng leading man si Kathryn for her next movie project na si Alden Richards.
Puweedeee!
MOI BIEN IBINULGAR NA NAGDADALA NG GIRLS SI PIOLO SA BAHAY NIYA
NAG-ENJOY kami sa tsikahan sa komedyanteng si Moi Bien bago ang press preview para sa movie nila ni Ogie Alcasid, ang “Kuya Wes” directed by James Robin Mayo. Inamin niya na medyo makapal na raw siya at kaya na niyang makipagtsikahan sa mga mayayaman.
Marami na rin siyang kuwento at nakaaaliw siyang kausap lalo na kapag tungkol sa kanyang Grade 7 na anak na lalaki.
Ang kanyang baby boy ang dahilan kaya raw super work siya ngayon. Happy naman siya dahil kahit papaano ay may naipon na siya at nakabili na ng unit sa El Jardin condominium.
Sad lang dahil ‘di nagbibigay ng suportang pinansyal ang ama ng kanyang anak. Pero nand’yan lang daw sa tabi-tabi ‘yung ama ng anak niya.
Three months na palang buntis si Moi bago niya sinabi sa kanyang boss na si Piolo Pascual ang kanyang kalagayan. At habang buntis, tuloy pa rin ang trabaho niya sa bahay ni Piolo.
“Yes, tapos nagtatrabaho pa rin ako. Naglilinis ako, nagbubuhat ako. Kasi ‘di ba ‘pag naglillinis ka ‘pag ano, nagagalit sa akin. Kasi makikita niya ‘yung TV nasa ibaba na, nasa galing sa taas. Binuhat ko pala. E, kasi ayaw ko naman, kasi nga buntis ka, pabigat ka. Mamaya pauwiin ka sa probinsya. Kaya work, work, work ako,” lahad ni Moi.
Tsinika rin ni Moi ang mga babaeng dinadala ni Papa P sa bahay niya.
“Nakikita ko ‘yung mga girls naman. Parang puro taga-showbiz. Umuuwi naman sila kasi ano naman si PJ, hinahatid naman niya.”
Sa kung sino ang latest na babaeng nakita niya sa bahay ni Papa P hindi na raw niya knows. Two years na raw since umalis siya sa bahay ni Papa P.
Thankful naman si Moi dahil tuloy-toloy ang trabaho niya. Kasama si Moi sa bagong teleserye ni Cristine Reyes sa ABS-CBN, ang “Nang Ngumiti ang Langit” sa direksiyon ni FM Reyes.
Anyway, napanood namin ang movie nila na “Kuya Wes.” In fairness, maganda ang role ni Moi at swak ang tandem nila ni Ogie sa movie. Panoorin ninyo ang “Kuya Wes” na ipapalabas na next month para malaman ninyo ang sinasabi namin.
Ang laki na ng improvement sa pag-arte at pagpapatawa ni Moi. Kaya ‘di na kami magtataka if one of these days ay i-produce na siya ni Papa P. and the rest of his co-producers na sina ni Direk Joyce Bernal at manager ni Moi na si Erickson Raymundo (Cornerstone top head) sa Spring Films ng kanyang launching movie .
“Kami ni Empoy (Marquez), parang ganoon. Inagawan ng trabaho si Angelica (Panganiban)? Pero mayroon naman silang pinag-uusapan, bulung-bulungan na ganu’n nga. Bilang nandu’n ako palagi sa giid nila. Hahaha!”
Maagaw kaya ni Moi ang trono ni Eugene Domingo sa Spring Films?
Comments are closed.