BATAAN- DEAD on the spot ang isang division head at umano’y isa sa mga katiwala ng alkalde sa kanilang lugar matapos pagbabarilin sa inu-upahang apartment kamakalawa ng gabi sa Polaris St., Barangay Mt.View, Mariveles
Kinilala ni Mariveles Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col. Nestor Chavez ang biktimang si Jonathan Dela Cruz, 35-anyos, Management Information System Head ng LGU Mariveles at residente sa nabanggit na lugar.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado ala-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente ng pamamaril.
Sa imbestigasyon, kararating lang umano ng biktima sa tinutuluyan nitong apartment nang bigla sumulpot ang isang motorsiklong hindi naplakahan sakay ang dalawang suspek at walang habas na pinagbabaril si Dela Cruz at mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek matapos ang pamamaril.
Napag-alaman na si Dela Cruz ay isa umano sa mga pinagkakatiwalaan ni Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda.
Kasalukuyang,gumugulong na ang malalimang imbestigasyon sa krimen. ROEL TARAYAO
Comments are closed.