GENERAL SANTOS CITY – SINALUBONG ni kamatayan ang 22-anyos na caretaker ng carwash matapos itong paluin ng bato ng kanyang katrabaho habang natutulog sa isang kubo sa Purok 8, Brgy. Katangawan kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Rizalito Arcania habang pinaghahanap naman ang suspek na si Jeger Dinale.
Base sa salaysay ng may-ari ng carwash na si Jeck Selidio, iniwan niyang nag-iinuman noong Huwebes ng gabi ang biktima kasama ang katrabaho nitong si Diamale.
Nabigla na lang siya nang mabalitaang patay na ito kahapon ng umaga.
Sinubukang hanapin ng pulisya si Diamale sa tinutuluyan nitong bahay sa Silway 8, Polomolok pero ayon sa mga kamag-anak ay maaga itong umalis sa kanilang bahay.
Patuloy na pinaghahanap si Diamale na tinuturing na pangunahing suspek sa krimen. MHAR BASCO
Comments are closed.