KATIWALA SA FISHING VESSEL BINARIL

pagbabarilin

QUEZON-TODAS ang isang katiwala sa Fishing Vessel matapos itong barilin ng kasamahang kapitan ng barko habang naglalayag na may dalawang kilometro ang layo sa baybayin ng Phil Port Authority sa Lucena City.

Kinilala ni Lt. Col. Romulo Albasea, hepe ng Lucena PNP ang biktima na si Joseph Revelleza, nasa hustong edad at residente ng bayan ng Pitogo, Quezon, samantalang ang suspek ay nakilalang si Paulito Moniño, 33- anyos at residente ng Brgy. Dalahican, Lucena City.

Base sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na may binaril sa fishing vessel dakong alas-8 ng gabi na agad nirespondehan upang alamin ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang naglalayag ang fishing vessel na kung saan lulan ang biktima at ang suspek ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril na ayon sa mga saksi ay madalas daw na nag-aaway ang dalawa kapag nagkakasama sa trabaho.

Agad binawian ng buhay si Revelleza matapos tu­magos sa ulo nito ang bala ng 9mm caliber na ginamit ni Moniño.

Mabilis naman na nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng Lucena PNP na kasalukuyang nakakulong sa Lucena PNP lock-up jail at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. BONG RIVERA

Comments are closed.