KATIWALIAN SA BOC TUTULDUKAN NA

custom

SINIMULAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang neutralization o crackdown sa mga kurap nilang empleyado sa pamamagitan nang pag-aresto at paghahain ng kasong administratibo at kriminal noong Martes sa isang personnel-on-duty na nakaistasyon sa Manila International Container Port (MICP) at sinasabing tumang­gap ng suhol.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na ang Assistant Customers Operations Officer na si Cesar Nier­va ay tumanggap umano ng kabuuang P7,880 cash na iniipit sa mga dokumento na inihain sa Entry Processing Unit (EPU) kaya’t inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa anti-corruption ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, na nag-aatas kay Deputy Commissioner for Intelligence Group (IG) Ra­niel Ramiro na tugisin ang mga kurap na opis­yales at empleyado ng bureau.

Pahayag naman ni Guerrero na ang natu­rang “latest sting ope­ration” ay magtutuloy-tuloy at hindi “one-time thing” o minsan lamang.

Noong Martes ng hapon, tinukoy ng PCG si Nierva na siyang tumanggap ng bribe mo­ney na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Kung mapatutuna­yang nagkasala, si Nierva ay mahaharap sa parusang “prision mayor” na katumbas ng anim hanggang walong taong pagkaka-bilanggo at pagmumultahin pa ng hindi bababa sa tatlong ulit ng halaga ng regalong kanyang tinanggap. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.