INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang PNP-CIDG na simulan na ang pagbusisi sa mga sinasabing katiwalian sa pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DILG undersecretary Jonathan Malaya, bubusisiin ng PNP-CIDG ang mga reklamong tara, kaltas at pare-parehas na pangalan ng benepisyaryo ng SAP.
Inilipat ni DILG Secretary Eduardo Año ang imbestigasyon ng lahat ng isyu ng korupsIyon sa pondo ng SAP dahil mas marami itong imbestigador kumpara sa field investigators ng DILG.
Mananatili naman sa ilalim ng DILG ang lahat ng administrative complaint laban sa mga opisyal ng barangay tulad ng kabiguang magpatupad ng social distancing, o pagpapabaya na magkaroon ng mass gathering. DWIZ882
Comments are closed.