INIIMBESTIGAHAN ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang report na nagagamit sa katiwalian ang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Pamahalaan.
Ayon kay BARMM Minister Naguib Sinarimbo, sigurado siyang hindi magtatagumpay ang ganitong katiwalian sa kasakuluyang pamunuan ng BARMM, subalit pinaimbestigahan pa rin ito.
Hinikayat ni Sinarimbo ang mga benepisyaryo ng 4Ps na komprontahin at sampalin ang mga opisyal ng pamahalaan na makikita nilang gumagamit sa 4Ps sa katiwalian.
Comments are closed.