KATOLIKO DAGSA SA LINGGO NG PALASPAS

BULACAN- HINDI bababa sa 500 katao ang dumagsa sa loob at labas ng Parokya ng Sto.Kristo sa Brgy. Siling Bata, Pandi sa lalawigang ito.

Masayang sinalubong ng mga mananampalataya ang parokya dala ang ibat-ibang disenyo ng palaspas na iwinawagayway sa harap ng munting simbahan.

Habang iwinawasiwas ni Fr. Norberto Ventura ang hawak nitong plastic bottle na puno ng Holy water.

Ayon sa mga mananampalataya ang pagdami ng tao sa mga simbahan ay patunay lamang na buhay na buhay ang kulturang Romano lalo na sa pagsasabuhay ng pagpapakasakit ni Kristo Hesus na siyang inatasan ng Diyos Ama na tubusin ang mga kasalanan ng tao. THONY ARCENAL