HINIKAYAT ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles ang mga Katoliko na makiisa sa mga gawain ng Simbahan sa panahon ng Kuwaresma.
Ang panawagan ni Valles ay bilang paghahanda sa pagsisimula ng Lenten season sa Ash Wednesday na natapat sa Marso 6.
Ayon kay Valles, mahalagang makibahagi ang mananampalataya sa paggunita sa panahon ng Kuwaresma upang ganap na maging handa sa pagdiri-wang ng pagtatagumpay ni Hesus sa pagtubos ng sanlibutan.
“My brothers and sisters let us avail the season of grace during Lent so that we would be really prepared into the joyous season of Easter,” ani Valles, sa panayam ng church-run Radio Veritas.
Ipinaliwanag pa ng Arsobispo na ito ang pagkakataon na pagnilayan ng bawat isa ang mga nagawang paglabag sa kalooban at kautusan ng Panginoon at humingi ng pagpatawad.
Aniya, mahalagang kilalanin ng tao ang mga pagkakasalang nagawa upang mapagkalooban ng Diyos nang pagpapatawad na hihilom sa pusong pinanahanan ng Panginoong Hesus.
“This is a season that would prepare us deep in our hearts for the coming celebration of Easter, the Paschal mystery, the passion, death and resurrec-tion of Jesus that brought us salvation,” dagdag ng CBCP president.
Kaugnay nito, inaanyayahan rin ni Valles ang bawat isa na dumalo sa mga Banal na Eukaristiya sa Marso 6, ang Miyerkoles ng Abo na hudyat ng pagsisimula sa panahon ng Kuwaresma.
Ang panahon ng Kuwaresma ay ang 40-araw na paghahanda sa paggunita ng Mahal na Araw na kung saan ay pinaalalahanan ng Simbahan ang mananampalataya sa pagtitika at pag-aayuno kung saan ginugunita rin ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo ang mga sakripisyo ni Hesus sa disyer-to.
Sinabi pa ni Archbishop Valles na ang pagpapahid ng abo sa noo ng mga tao ay paalala sa pagpapanibago ng tao mula sa pagiging makasalanan.
Pinaalalahanan din niya ang bawat isa na isagawa ang corporal works of mercy tulad ng pagpapakain sa mga nagugutom, pagdalaw sa mga may sakit, bilanggo, paglibing sa mga namatay, pagpainom sa mga nauuhaw, at pagtanggap sa walang tahanan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.