Katrina Halili, malungkot at masaya sa pananalo ng acting awards

MAHIGIT 20 years nang artista si Katrina Halili pero wala pa rin siyang nakukuhang award, kaya hindi niya maamin sa kanyang sariling isa siyang tunay na artista. Pero kamakailan lamang, tinanghal siyang Best Supporting Actress sa katatapos na 10th Emirates Film Festival in Dubai.

Actually, grieving pa siya dahil kamamatay lamang ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab, pero bigla itong natakpan ng saya, dahil sa pagkapanalo niya ng award. Hindi raw niya alam kung ano ang mararamdaman niya, masaya ba o malungkot.

“Yung feeling na masaya ka dahil nanalo ka ng award, pero malungkot ka dahil namatayan ka … hindi ko talaga maintindihan,” ani Katrina. “Pero mas malamang ang saya dahill ngayon lamang ako nagkaroon ng award,” dagdag pa niya.

Hindi raw siya umaasa na magkaka-award pa siya dahil matagal na nga siyang naghihintay pero wala namang nangyari. Basta lang daw nagtatrabaho siya para kumita.

Ang nakakatuwa pa, bukod kay Katrina, wagi rin ang Abe Nida co-star niyang si Allen Dizon bilang Best Actor at hindi rin niya inaasahan ito.

Samantala, maayos na ang relasyon niya sa ama ng kanyang eleven-year-old daughter na si Katie, na ang singer na si Kris Lawrence. Co-parenting daw ang arrangement nila kaya kasama ni Kris ang anak mula Friday until Sunday kapag nasa Manila ito. Sa Palawan na hometown ng Kapuso actress nakatira at nag-aaral si Katie. Kapag pumupunta raw naman si Kris sa Palawan, kahit ano pang araw ay pwede silang magkasama basta hindi maaapektuhan ang pag-aaral nito.

Magkaibigan na raw sina Katrina at Kris alang-alag kay Katie, at ginagawa nila ang lahat para manatili ang kanilang pagkakaibigan. NLVN