KATRINA HALILI NASAPOL DIN NG BASHER

KUNG datirati ay super dedma na lang si Katrina Halili sa mga bash na tinatanggap niya sa kanyangwallface social media account dahilan sa pagiging super mean niya sa isa pang bidang babae sa top rating afternoon show nila na “The Stepdaughters” na si Megan Young, nga­yon ay tila ‘nasasakal’ na si Katrina sa mga bash na natatanggap niya.

Halos dumarami na raw ito araw-araw at nada­dagdagan pa. Kung kaya lagi na lang nagpapasalamat si Katrina ‘pag may mga eksena siyang ‘nababawian’ siya sa kanyang mga ginagawang masama kay Megan. Dahilan ‘pag sa araw na iyon naipalabas, kinabukasan ay mababawasan diumano ang haters niya. Pero ‘pag muli na naman siyang gagawa ng kabulastugan ay muli na namang darami ang  bashers niya. It only proves na talagang epektibong kontrabida itong si Katrina at tila isinasabuhay ng kanyang mga viewers ang kanyang karakter.

Sa ngayon ay may isang movie na ginagawa si Katrina para sa para­ting na Tofarm Film Festival ngayong September, ang “Anak ng Kamote” and for sure hindi siya makakatanggap ng maraming bash.

PAOLO BALLESTEROS MAY TULOG SA BAGONG TRANSFORMATION ARTIST

PAOLO BALLESTEROSA biglang paglutang ng isang 21 years old na Caviteno na si JM Mirabel, kung saan ay ipina­kita nito sa kanyang social media account ang mga nagawa niyang makeup transformation para maging isang Disney prince or princess ay mara­ming napahanga sa kanyang gina­wang transformation.

Maging ang mga ginamit niyang costume ay halos kopyang-kopya na nito. Mapalalake man o mapababaeng karakter ay sisiw na sisiw na nakokopya ni JM sa pamamagitan ng make-up.

Marami tuloy ang nagsasabing may ‘tulog’ na si Paolo Ballesteros sa bagong sumisikat na transformation make-up artist na mas bata at may mga fresh ideas kaysa sa dabarkads actor.

Comments are closed.