NAKOPO ng Meralco ang kanilang kauna-unahang korona sa PBA makaraang maungusan ang San Miguel, 80-78, sa Game 6 ng Philippine Cup finals noong Linggo ng gabi. Kuha ni RUDY ESPERAS
SA WAKAS ay naputol ng Meralco Bolts ang kanilang 14-year championship drought, kinuha ang kanilang kauna-unahang PBA Season 48 Philippine Cup title.
Sa isang kapana-panabik na sagupaan sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi, naungusan ng Bolts ang San Miguel Beermen, 80-78, salamat sa clutch game-winner mula kay Chris Newsome.
Sinabi ni Meralco coach Luigi Trillo na ang tagumpay ng Meralco sa Philippine Cup ay dala ng ‘hardwork, burning desire, aspiration at determination’ ng kanyang mga player na masungkit ang kauna-unahang korona sa liga.
“We could not achieve the ultimate goal we are longing for. My players labored hard, worked hard and sacrificed a lot for three months for just one cause- win the crown. Finally, they achieved the ultimate dream. I praised them for a job well done” sabi ni Trillo.
Ang hindi nagawa ni coach Norman Black sa loob ng 13 taon ay nagawa ni Trillo at sinamahan ng 48-year-old Meralco bench tactician ang elite club ng ‘champions coach’ at pang-anim na coach sa kampo ni sportsman/businessman Manny V. Pangilinan na nanalo sa PBA, kasama sina Black, Chot Reyes, Joel Banal, Perry Ronquillo at Jojo Lastimosa.
“Now the Philippine Cup is over and we won the crown, panahon na pagtuunan ng pansin at sapat na attention ang aming mga pamilya at mga anak. We’ll go somewhere and have fun with our loved ones,” sabi ni Trillo.
Gumanap na bayani si Newsome sa matagumpay na pag-angkin ng Meralco sa Philippine Cup title at biguin ang ambidyon ng SMB na kunin ang ika-10 All Filipino Cup crown at ika-30 overall sa 45th final appearance.
Umiskor si Newsome ng game-winning jumper sa harap ng depensa ni Simon Enciso.
“This is sweetest. All of us worked really hard, played really hard, and consolidated our efforts to win our first- ever PBA crown and finally we achieved it,” sabi ng 33-anyos na si Newsome.
Tumipa si Newsome ng team-high15 points, siyam sa fourth quarter, kasama ang title-clinching jumper sa dying seconds.
Katuwang ni Trillo si Serbian team consultant Nenad Vucinc sa pagwakas sa paghahari ng SMB sa Philippine Cup.
CLYDE MARIANO