KATUWANG SA NEGOSYO

SA nagdaang 12 taon, puspos sa pagsasapubliko ng patas na balita ang PILIPINO Mirror mula politika, police stories, edukasyon, isports at negosyo.

Sa mga unang taon namin ay hayag o kita agad ang pinagkaiba namin sa ibang mga pahayagan.

Una ay ang pisikal na anyo dahil. alanganing broadsheet, alanganing tabloid dahil sa sukat ng pahayagan.

Pagdating sa content o nilalamam, halos katulad din ng iba dahil hindi kami nagpapahuli. sa balita, nasyunal man ito o police story.

Kinalaunan, sa patnubay ng management, ,dapat naming panatilihin ang aming uniqueness o signature, iyong iba kami.

Ang hamon ay dagdagan ang business stories o mas magpokus dito.

Kumasa kami at hindi sumuko.

Kapag kasi business paper, karamihan sa mga nagsusulat ay dapat business reporter din.

Sa kabanatang iyon, sabay-sabay natuto ang lahat ng bumubuo ng PILIPINO Mirror para sa mga bagong terminolohiya.

Bagaman patuloy kaming kumukuha ng kaalaman, natiyak na namin sa aming sarili na kami ay katuwang sa negosyo.

Kaya naman asahan sa mga susunod na mga panahon, hindi lang kami magbabalita hinggil sa negosyo, katuwang ninyo sa negosyo ang PILIPINO Mirror.
Sabay-sabay tayong lumago!