MAYNILA – ITINATAG ng Department of Health (DOH) katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang online hotline para sa mga Filipino worker sa China na nangangailangan ng tulong sa gitna ng coronavirus outbreak.
Ang hotline ay naka-set up sa pamamagitan ng pag-download sa smart cellphones na WeChat.
Para makapag-download dapat ay makatanggap ng QR code, na kapag na-scan ay makaka-access na para mabuksan ang nasabing communication line.
Ayon sa sa DFA, ang lahat ng mensahe at tawag sa WeChat hotline ay matatanggap at sasagutin ng Filipino doctors, psychologists, at nurse na aral sa crisis intervention.
Ginawa ng nasabing mga ahensiya ang hakbang dahil sa pangamba sa 2019-nCoV. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.