(Kaugnay sa pagtakas ni Guo) PAG-IIMBESTIGA SA EX-PNP CHIEF PAG-AARALAN NG CIDG

PAG-AARALAN ni Acting Director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Brig. Gen. Nicolas Torre III kung ipagpapatuloy ng ahensya ang imbestigasyon na may dating hepe ng pambansang pulisya ang tumulong sa pagpuslit palabas ng bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Torre, bubusisiin muna niya ang mga dokumento hinggil sa naturang alegasyon.

Hinggil sa bagong tungkulin, inilahad ni Torre na kabilang sa tututukan ng CIDG ang sitwasyon sa Sulu kaugnay sa desisyon ng Supreme Court na ihiwalay ang island province sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM).

Pagtutuunan din ng atensyon ng CIDG ang pagtugis sa mga wanted person at organisadong grupo ng mg kriminal sa bansa.

Si Torre ay naging hepe ng Police Regional Office 11 o Davao Region Police kung saan siya nanguna sa paglusob sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound para arestuhin si pastor Apollo Quiboloy sa Davao City.

EUNICE CELARIO