INIHAYAG ng grupong Manibela na muli silang magsasagawa ng tigil-pasada sa susunod na linggo.
Ito ang pahayag ng Presidente ng Manibela na si Mar Valbuena, ang pangako ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ay para umano sila ay mabitag sakaling sila ay makapag-consolidate.
Sa Disyembre 31 sisimulan ang pagbuo ng kooperatiba para sa mga driver at operator ng dyip.
Ito rin ang petsa kung saan mawawalan ng prangkisa ang mga jeepney maliban na lang kung makapaghain na ng petisyon para makapag-consolidate.
Sinabi naman ng gobyerno na maghahanda sila ng libreng sakay sakaling magkakasa na naman ng tigil pasada ang naturang mga grupo.
Gayunpaman, hindi nangamba ang LTFRB sa transport strike ng Manibela dahil wala raw itong epekto sa takbo ng public transportation sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.
EVELYN GARCIA