SA tulong ng Department of Science and Technology (DOST) – Balik Scientists, pinasinayaan ng University of Mindanao ang kauna-unahang biomolecular engineering na laboratoryo sa Pilipinas.
Naka pokus ang proyektong sa pag-transform ng environmental waste sa mapakikinabangan na industrial compounds.
Magsasagawa rin ang laboratoryo ng biosensors na makakapagsuri ng environmental pollutants.
Sa isang pagtitipong ginawa kahapon, ipinagdiwang ang pagbubukas ng University of Mindanao Biomolecular Engineering Laboratory (UMBEL).
Ang mga DOST Balik Scientists na tumulong sa pagbuo nito ay sina Dr. Angelo Banares (metabolic engineering), Dr. Chosel Lawagon (nanotechnology), at Dr. Terence Al Abaquita (crop protection, neurobiology, chronobiology, and cell and molecular biology), kung saan napagsanib ng ibat ibang expertise upang mapaganda ang kakayahan sa research and development ng bagong laboratoryo. LIZA SORIANO