KAUNA-UNAHANG DIABETIC CARE CENTER BINUKSAN NA SA PUBLIKO

QUEZON- PORMAL ng inilunsad ang kauna-unahang Diabetic Care Center sa lalawigang ito at nag-iisang Accredited ng International Diabetes Federation of the Philippines na inilagay at itinayo sa Tayabas Community Hospital Inc.(TCHI) na pinangunahan ni Diabetes Education Consultant and Head Diabetes Care Center Mr.Noel Ayala kasama si TCHI Hospital Director Dr.Jeremias M.Gonzales ginanap sa 2nd Floor MAGS Restaurant,TCHI Compound bahagi ng Barangay Wakas,Tayabas City.

Ayon kay Ayala, ginawa niya na makapaglagay ng Diabetic Care Center sa Tayabas Community Hospital dahil nakita nitong lubhang dumarami ang sakit at kaso ng diabetes sa lalawigan ng Quezon na nagkakaroon ng mga kumplikasyon na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga taong nagkakasakit ng diabetes.

Ayon pa rin kay Ayala, nagkaroon sila ng kasunduan sa pagitan ng Management ng naturang ospital upang maitayo ang Diabetic Care Center na layunin nitong mapaigting pa at matutukan ng tama at maayos na paggagamot sa nakamamatay na sakit kapag napabayaan at mapigilan na din ang patuloy na pagdami ng mga taong nagkakaroon ng sakit na diabetes.

Ayon kay Mr.Ayala, karamihan sa mga taong nagkakaroon ng sakit na diabetes ay naniniwala sa mga sabi-sabi na walang sapat at tamang basehan sa tamang pamamaraan ng paggagamot na kalimitan ay hindi nagpapakonsulta sa mga ekspertong doktor.

Naging katuwang sa pagsasalita at pagpapaliwanag sa mga taong dumalo sa pagbubukas ng Diabetic Care Center si Dr.Vivaldi O.Igualada isang ekspertong Cardiology Interventional Cardiology dahil isa sa nagiging kumplikasyon sa sakit na diabetes ay ang pagkakaroon ng problema sa puso at ang pagkasira ng kidney kapag tumataas ang sugar ng isang pasyente.

Kaya’t apela si Ayala sa iba’t ibang ospital sa lalawigan ng Quezon na maglagay at magtayo ng Diabetic Care Center upang mas mapalawig pa na mabigyan ng sapat na kaalaman at tamang gamutan ang mga taong nagkakaroon ng sakit na diabetes.

Sa ekslusibong panayam ng Pilipino Mirror kay Ayala, sinabi nito na hindi naman umano magiging problema ang paglalagay at pagtatayo ng Diabetic Care Center sa isang ospital dahil marami umano na mapagkukunan ng pondo katulad ng Income Generating Project ng Diabetic Care Center ng isang ospital,mga Pharmaceutical Companies,at mga doktor na naniniwala sa Programa ng Diabetic Care Center ay maaaring magbigay din ng kaukulang tulong upang mapalawig at magtuloy tuloy ang naturang programa. BONG RIVERA