KAUNA-UNAHANG MADRE ITINALAGA NI POPE FRANCIS SA VATICAN DEPARTMENT

SA kauna-unahang pagkakataon ay itinalaga ni Pope Francis ang 60-anyos na madre para pamahalaan ang Vatican department na responsable sa lahat ng religious orders sa buong simbahan ng Katoliko.

Sa ulat ng News­Nation, kinilala ang madre na si Simona Brambilla ng Italy kung saan pamamahalaan nito ang lahat ng religious orders mula sa Jesuits hanggang Franciscans.

Ayon sa Vatican, si Brambilla na dating nurse ay nagsilbi sa Consolata Missionary Sisters Ins­titute at kasalukuyang secretary ng nasabing tanggapan kung saan siya nanilbihan bilang missionary sa Mozambique.

Nabatid din sa NewsNation agency na si Pope Francis ay hindi nagtatalaga ng babaeng missionary sa anumang Vatican office at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa nitong bigyan ng pagkakataon ang babaeng missionary para pamahalaan ang church’s governance sa buong bansa.

Samantala, bukod kay Brambilla, si Pope Francis ay nagtalaga rin ng co-leader o “pro-prefect” sa nasabing departamento na si Cardinal Angel Fernandez Artime na isang Salesian.

Gayunpaman, sa ulat ng NewsNation ay na­ging hamon kay Brambilla na harapin ang bumabagsak na bilang ng madre worldwide kung saan ayon sa record ng Vatican ay may 750,000 madre worldwide noong 2010 subalit pagsapit ng 2024 ay nabawasan ito at umabot na lamang sa bilang na 600,000.

MHAR BASCO