KAUNA-UNAHANG MEGA VACCINATION SITE INILUNSAD

LAGUNA – UMAABOT sa mahigit na 500 kabataan ang binakunahan makaraan ang idinaos na paglulunsad ng Mega Vaccination Site sa Convention Center, Brgy. San Jose Malamig, lungsod ng San Pablo.

Ito aniya ang kauna-unahang isinagawang pagbabakuna sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 na pawang may mga comorbidity sa lalawigan ng Laguna.

Target ng pamahalaang panglungsod na mabakunahan ang lahat ng mga kabataan para makaiwas sa COVID-19 virus.

Sa kasalukuyan, patuloy na rin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan inaasahang magtutuloy tuloy na ito hanggang sa makabalik na sa normal na pamumuhay ang mamamayan sa lugar.

Panawagan din sa lahat ng mga magulang na pabakunahan ng mga ito ang kanilang mga anak na nasa edad 12-17, magdala ng Birth Certificate at samahan ng mga ito sa Vaccine Site.

Kaugnay nito, dumalo sa naturang pagtitipon ang pamunuan ng Department of Health (DOH) Region IV-A at Laguna kabilang ang iba pang lokal na opis­yal. DICK GARAY