KAUNA-UNAHANG MICROCINEMA FRANCHISE SA FILIPINAS

CBRC

AMININ natin that indie films have taken the world by storm at napag-iiwanan na ang mainstream nabuzzday mangilanngilan na lamang sa isang taon. Nag­hahanap na rin ang millennials ng makahulugan at tunay na purpose sa cinema.

Ito ang naging pagkakataon para magbuo ng konsepto si Dr. Carl Balita at magtayo ng microcinema na siyang nakikita niyang daan para panatilihing buhay ang Philippine Cinema sa pamamagitan ng Carl Balita Review Center (CBRC), which now embarks on the bigger picture for the future of our local cinema—the country’s first microcinema franchise.

Meaningful art experience – this is what the CBRC Dream Theater is about. Kaya gusto ni Dr. Carl Balita na ituloy ang konsepto ng Dream Theater sa potential franchisees na may klarong pananaw sa sitwasyon ng local film industry. Sa ngayon, sa millennials ang bago ay malakas na merkado para sa pelikula.

Ilang taon na ang bi­nibilang sa layo na ng nara­ting ng indie films lalo na sa ibang bansa kung saan kinikilala ito sa international filmfest at nag-aani pa ng parangal na kalimitan ay hindi kinikilala dito sa atin. Wala ring malalaking sinehan na tumatangkilik.

Ang microcinema ang siyang makatutugon dito para maging accessible ang pelikulang Filipino sa mga tao.  Ang  availability, accessibility at abot-kayang presyo ng tiket ang potential exhibitors ng local films.

Nang ilunsad ito noong Hunyo 22, 2018, maganda ang response ng publiko at maraming estudyante ang dumating para maranasan ang malaking microcinema sa Maynila ang makapanood ng pelikula na hindi nila mapanonood sa malalaking sinehan at dahil na rin sa intimate experience na maibibigay ng the Dream Theater.

CARL BALITA
Celeste Legaspi and Dr. Carl E. Balita

Maging sina Rachel Alejandro at Celeste Le­gaspi ay humanga sa cinema lalo na nang mapanood nila ang kanilang pelikulang Ang Larawan bilang opening exhibition sa Dream Theater.

Isa sa nakasisiguro ng CBRC Dream Theater sa mga interesadong kumuha ng prangkisa sa microcinema ay ang pagkakaroon ng meaningful artistic experience, promoting films that combine both educational interest and quality entertainment value. Plus, the Dream Theater is a sustainable and financially-viable investment, with skilled programmers and staffers who can organize its film screenings for a potential market of millennials and Gen Z students.

CBRC Dream Theater boasts of a 5000 lumens and a 4k resolution projector, its audio operates on a 5.1 digital surround sound system, and it can accommodate up to 250 audiences. Dagdag pa rito ang kontribusyon sa environmental causes, dahil sa eco-friendly chairs gawa sa loads of plastic pet bottles. Not only is its services up-to-date, it is also legally viable as the Dream Theater has been licensed to operate by the MTRCB, has been trusted by producers with a wide array of available internationally-awarded and critically-acclaimed Filipino films.

Solid ang marketing strategy, captured ang merkado ng mga eskuwelahan, mga organisasyon at interest groups tulad ng LGBTQIA++ community, senior citizens, students and professionals. At dahil sa adbokasiya nitong pang-edukasyon, bukas ang CBRC sa paghahandog ng mga seminar sa film production, film seminars at theater workshops para maturuan ang publiko ng media literacy.

Bukod sa film screenings, ang iba pang puwedeng pagkunan ng kita ay ang theater stageplays, conferences, venue rentals, recitals, art exhibits, seminars, food and merchandise, at marami pang iba. Ang microcinema ay madaling puntahan dahil ito ay nasa ideal at strategic locations tulad school/university zones, tourist spots, heritage sites at urban centers na mapatutunayan ang tagumpay nito kahit mula sa ibang microcinema owners.

Isa pang bonus—ang franchisee ang bahala sa microcinema’s design. Outdoor cinemas are also a potential innovation as Dr. Carl envisions a “CineBaybayin” or a cinema by the beach or a “CineGubat”, one near or within nature preserves and forests. Ma­rami ang oportunidad na makikita sa franchising ng microcinemas.

Ito na marahil ang dream come true para sa moviegoers at cinema lovers—CBRC Dream Theater gayundin sa mga artist at estudyante na gustong magkaroon ng special arts hub for their shows.

Panahon na nga ng microcinema, at ang pagbulusok ng Flipino independent films ay mas mataas na ngayon with the entry of a new creative generation. Ngayon, may bago na silang tahanan—ang CBRC Dream Theater.

Comments are closed.