ni Riza Zuniga
PINALUTANG ang gandang Pilipina at adbokasiya ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2024 sa Lima Park Hotel, Lipa Batangas sa kauna-unahang partnership ng BingoPlus at Miss Universe Philippines (MUPH) noong April 12-13, 2024.
Hindi alintana ang init at higpit ng labanan mula sa napaka-diverse na grupo ng mga kandidata ngayon. Marami na rin ang kalahok mula sa iba’t ibang Overseas Filipino Community (OFC) sa ibang bansa.
Bukas na rin ang pamunuan sa 30 taong-gulang na kalahok, winakasan na ang paglimita sa gulang ng kandidata. Ang nanatili ay gulang na hindi bababa sa 18 taong-gulang.
Ang pagsali sa kababaihang maging kwalipikado sa hustong gulang ay bunga ng ipinarating ng dating Miss Universe 2022
R’Bonney Gabriel sa pamunuan, kanyang tinuran “A woman’s ability to compete at Miss Universe, or anything in life, shouldn’t be defined by her age. Age should just be a number.”
Ito ang isang nagbigay daan at lakas ng loob sa mga Pilipinang pasukin ang patimpalak sa pagandahan. Kung kaya’t maging sa bahagi ng Q & A, hindi na gasinong pinagtatalunan ang gulang ng kandidata.
Sa pagiging sponsor ng BingoPlus sa unang pagkakataon sa Miss Universe Philippines, nagbigay ito ng pagkakataon sa mga kandidata na malaman ang adbokasiya ng BingoPlus at ang Foundation nito kasama ang iba’t ibang programa at scholarship para sa mga kabataan.
Naiparating ng mga kandidata ang kanilang adbokasiya at ang mga nagbibigay inspirasyon para ipagpatuloy nila ang kompetisyon. Hinarap nila ang mabibigat na katanungan mula sa media ng may katuturan at katapatan.