CAVITE – NAKAMIT ng Carmona ang kauna-unahang lungsod sa Cavite na may Stable Internal Peace and Security (SIPS) Status.
Kahapon, lumagda sa Memorandum of Understanding on the Declaration of Stable Internal Peace and Security ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Carmona, DILG, Philippine Army at Cavite Police Provincial Office. Nanguna sa Ceremonial Signing sina Mayor Dahlia A. Loyola, Gen Cerilo C. Balaoro Jr, PCOL Eleuterio M. Ricardo Jr, at DILG Cavite Provincial Director Dir. Danilo A. Nobleza.
Isinailalim ang Carmona sa SIPS status matapos kilalanin bilang “Cleared and Unaffected”.
Ayon sa Carmona LGU, naobserbahan ang pagiging payapa sa lungsod.
Tiniyak ni Mayor Loyola na patuloy ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Carmona at makipagtulungan sa mga awtoridad para mapigilan ang mga krimen at paglaganap ng mga makakaliwang rebeldeng grupo.
Aniya, makakatulong din ang pagkakaroong ng SIPS status para dumami ang mga investment sa Carmona at mapaunlad ang buhay ng mga namumuhay sa naturang siyudad.
SID SAMANIEGO