KAUNA-UNAHANG ‘TOURIST REST AREA’ BINUKSAN NA

PORMAL ng binuksan nang Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ni Secretary Christina Frasco ang kauna-unahang tourist rest area (TRA) nitong Lunes sa bayan ng Medellin, Cebu.

Ang nasabing programa ay dinaluhan din nina Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, board members, 36 na alkalde at iba’t ibang business groups.

Kabilang sa amenities nito ay ang tourist information center, lounge area, coffee shop, charging station, restrooms, at pasalubong center.

Bubuksan din ang tatlong karagdagang TRA sa Carmen gayundin sa Moalboal at Carcar City sa southern Cebu.

Kaugnay sa opisyal na turnover ceremony ng TRA sa Medellin, inihayag ni Frasco na bukod dito ay may 15 pang TRA ang nakatakda pang idagdag bilang ng pagsisikap ng DOT sa pagsusulong ng industriya ng turismo sa bansa.

Nagpakita naman ng buong puwersa ang ipinakita nang mga opisyales na dumalo sa nasabing inaguration ng TRA kay Franco kasunod ng kontrobersya sa tourism campaign Video.
EVELYN GARCIA