KAUNTING GALAW SA PRESYO NG PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO—UNIOIL

PETROLYO-14

MAKAAASA ang mga motorista ng kaunting paggalaw sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, pahayag ng Uni­oil Petroleum Philippines.

Sa kanilang lingguhang fuel forecast para sa Agosto 6 hanggang 12, sinabi ng Unioil na walang paggalaw sa presyo ng diesel o posibleng magdagdag ito ng P0.05 kada litro, habang ang gasolina ay hindi magkakaroon ng paggalaw o baka magkaroon ng kaunting rollback ng P0.10 kada litro.

“Expect fuel prices to have minimal movement next week. Diesel should have no movement or could increase up to P0.05 per liter while gasoline should have no movement or could have a rollback up to P0.10 per liter. Load up accordingly!” lahad ng Unioil.

Karaniwang nagpapatupad ang local oil companies ng kanilang fuel price adjustments tuwing Martes bawat linggo.

Comments are closed.