KAWAD NG LRT-2 NINAKAW, LALAKI HULI

LRT-2

MAYNILA – KULONG ang isang lalaki nang nakawin nito ang kable ng kuryente na pag-aari ng Light Rail Transit Line-2.

Inireklamo ni Alex Balbino, kinatawan ng LRT Line- 2, na  naaktuhan ng kanilang mga security guard sa Pureza Station, Sta. Mesa ang mga suspek na sina Bernardo Rono, 48-anyos at isang alyas “Jessie” habang pilit na hinahatak ang pinutol na bahagi ng kable ng kuryente ng tren.

Naganap aniya ang pagnanakaw  pasado alas 3:42 hapon noong  Sabado sa LRT line-2 Pureza Station sa Ramon Maagsaysay Boulevard, Sta.Mesa.

Agad na inaresto ng guwardiya na si Alsagen Radi ang suspek na si Rono habang nakatakas naman ang kasabwat nito sa pagnanakaw na si alyas “Jessie.”

Narekober mula sa suspek ang isang piraso ng lagaring bakal at ilang piraso ng tanso o copper wire na inomit ng mga suspek.

Patuloy naman na tinutugis ng operatiba ng Sta. Mesa Police Station-8 ang nakatakas na suspek habang nakapiit na si Rono sa himpilan ng pulisya. CAMILLE BOLOS

Comments are closed.