IPINALIWANAG ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung bakit walang tubig sa ilang mga lugar sa bansa.
Tatlong komunidad ang tinukoy ng ahensiya at ang mga ito ay ang mga maliliit na isla at barangay, mga nasa kabundukan at malalaking komunidad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa paliwanag ni DENR Usec Carlos David, ang maliliit na isla ay hirap makakuha ng malinis na tubig dahil isolated sila, habang ang mga kabundukan ay ganoon din at ang BARRM kahit mayaman sila sa water resources gaya sa ilog, bukal, lawa at karagatan ay kulang naman sa imprastraktura.
Lumalabas na ang imprastraktura ang problema sa tatlong komunidad kaya nagsa-suffer sila para magkaroon ng malinis na tubig.
Samantala, ibinahagi naman ng pamahalaan ang magandang balita na makakamit din ng tatlong naturang komunidad ang malinis na tubig.
Ito ay sa pamamagitan ng desalination habang nito lang mga nakaraang taon ay mas gumanda ang teknolohiya ng desalination at mas naging mura ang halaga.
Bumaba na rin ang power requirement ng mga makina para sa desalination.
Payo ng mga eksperto, higit pang solusyonan mula sa teknolohiya ang mga problema, mas mahalaga ang social preparation.
Kailangang bumuo ang mga barangay ng kooperatiba na mangangasiwa sa kanilang water system.