KAWALAN NG TRANSPORTASYON, PAGSASARA NG NEGOSYO SA ECQ PAHIRAP SA MGA PINOY – SWS

SWS-3

PAHIRAP sa mayorya ng mga Filipino ang kawalan ng pampublikong transportasyon, gayundin ang pagsasara ng ilang negosyo at tindahan sa gitna ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang lumabas sa isinagawang COVID-19 mobile phone survey ng Social Weather Stations (SWS) sa mahigit 4,000 respondents.

Ayon sa SWS, 77% ng mga pamilyang Filipino ang nagsabing nahirapan sila nang suspendihin ng pamahalaan ang pampublikonng transportasyon.

Nasa 80% naman ng mga respondent ang nagsabing naging pahirap din para sa kanila ang pagsasara ng ilang negosyo at tindahan.

Magugunitang dalawang buwan ding ipinatigil ng pamahalaan ang pampublikong transportasyon habang tanging ang mga negosyo na may kinalaman  sa essential goods at services ang pinayagang mag-operate.

Ang buong Luzon at iba pang lugar sa bansa ay isinailalim sa ECQ para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. DWIZ 882

3 thoughts on “KAWALAN NG TRANSPORTASYON, PAGSASARA NG NEGOSYO SA ECQ PAHIRAP SA MGA PINOY – SWS”

  1. 439344 817999Thank you for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research about this. We got a grab a book from our local library but I think I learned more from this post. Im quite glad to see such wonderful information being shared freely out there. 780391

  2. 428704 88893Hi my friend! I want to say that this post is incredible, nice written and include approximately all significant infos. Id like to see more posts like this . 163923

Comments are closed.