ISANG barangay sa lungsod ng Muntinlupa ang nagpatupad ng kanilang sariling executive order hinggil sa mandatory na pagsusuot ng face mask ng kanilang mga empleyado o maharap sa suspensiyon.
Ayon kay Poblacion Barangay Captain Allen Ampaya, kanyang pinirmahan ang Executive Order No. 8 noon lamang nakaraang araw (Setyembre 16) na nag-uutos sa mga empleyado ng barangay ang pagsusuot ng face masks sa labas ng kanilang bahay dahil “they should at all times adhere to laws, rules and regulations, and ordinances, and be a good example to the public.”
Ani Ampaya, sa kasalukuyan ay tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang barangay dahil sa mas madaling makahawa na Delta variant pati na rin ng mga residenteng pasaway na hindi sumusunod sa health protocols lalo na ang hindi pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar kabilang ang karamihan sa ilang empleyado na nagdulot pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang barangay.
Sa ilalim ng kanyang kautusan, ang sinumang barangay employee na mahuhuli na hindi nagsusuot o hindi maayos na magsuot ng face mask sa labas ng kanilang bahay sa unang pagkakataon ay mahaharap sa limang araw na suspension ng walang suweldo.
Sa ikalawang pagkakataon ng paglabag ay mahaharap ang isang empleyado ng barangay sa 30 araw na suspensyon na walang suweldo habang umabot ang paglabag ng isang barangay employee sa ikatlong pagkakataon ay matatanggal na ito sa kanyang trabaho.
Hinikayat din ni Ampaya ang mga residente ng Barangay Poblacion na i-report kahit kaninong miyembro ng barangay staff ang mga taong hindi sumusunod sa health protocols partikular ang hindi pagsuot ng face mask.
Napag-alaman din na sa siyam na barangay na nasasakupan ng lungsod ay ang Barangay Poblacion ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 na may 512 indibidwal.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay inaprubahan ng Muntinlupa City Council ang Ordinance No. 2020-109, ang ordinansa na mandatoryong nagpapatupad sa pagsusuot ng face masks sa lungsod ng Muntinlupa.MARIVIC FERNANDEZ
676828 194416You produced some decent points there. I looked over the internet for your issue and discovered most people will go along with together along with your internet site. 80934