KAWANI NG DND ARSENAL AKSIDENTENG  NABARIL AT NAPATAY

nabaril

NASAWI ang isang empleyado ng Department of National Defense Arsenal sa Camp Antonio Luna, Limay, Bataan makaraang aksidenteng mabaril siya ng kanyang kasamahan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Limay police chief, P/Maj. Emelito dela Cruz ang biktima na si Juanito Oria, 57-anyos, isang ballistician na nakatalaga sa pagsusuri ng mga bala.

Habang ang katrabaho naman nito na nag-test-fire ng armalite at ng bala ay nakilalang si Luisito Hacinas, 40-anyos, ng Barangay Camacho, Balanga City.

Base sa imbestigasyon, tini-testing umano ni Hacinas ang isang M16 armalite sa 200-meter range at hindi raw nito alam na pinapalitan pa ni Oria ang mga target paper.

Dahil dito, tinamaan ng bala si Oria sa likod at lumabas ito sa kanyang dibdib.

Agad naman isinugod sa ospital ang biktima su­balit idineklara na itong dead on arrival.

Comments are closed.