KAWANI NG LGU, ITINUMBA

pagbabarilin

DAVAO DEL SUR – PINABULAGTA ang isang kawani ng lokal na pamahalaan matapos itong ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Badagoy solar drier sa Brgy. Poblacion, bayan ng Magsaysay

Kinilala ang biktima na si Philip Marl Delosa Ruelo, nasa hustong gulang at isang job order employee ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril sa biktimang si Philip Mark Delosa Ruel bandang alas-9:10 ng umaga ng Biyernes kung saan ang gunmen ay sakay ng SUV na walang plaka.

Tinangka pang dalhin ang biktimang nakamotorsiklo sa Davao del Sur Provincial Hospital, su­balit idineklarang patay.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong onsehan sa negosyo kaya isinagawa ang pamamaslang. MHAR BASCO

Comments are closed.