KAWANI NG LGU, LOVER BINARIL NG HOLDAPER

binaril

TAGUIG CITY – PATAY ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Taguig at ang kanyang live-in partner makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek na nagholdap sa kanila kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ang mga biktima na sina Mario Landreza, 54, at Girlie Gacer, 49, kap­wa residente ng Block-4 Lot-4 Maharlika Road, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat ng Taguig City police, naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng gabi sa tapat ng isang ukay-ukay variety store na pag-aari ng mga biktima na matatagpuan sa Block-141 Lot-4 Maharlika Road, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

Sa CCTV footage, galing ang dalawang suspek sa Sitio Imelda Street papunta sa puwesto ng tindahan ng mga biktima.

Matapos maganap ang pamamaril sa mga biktima ay muling nahagip ng CCTV ang dalawa na papatakas.   MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.