MAYNILA – ISANG kawani ng Manila North Cemetery ang tinambangan sa loob mismo ng nasabing pasilidad noong Biyernes ng umaga.
Ayon sa Moriones police, ang biktima ay nakilalang si JordanNaronga, 40-anyos, na papasok na sa trabaho nang sundan ng gunman at saka dalawang beses binaril.
Nagtamo ng limang tama ng bala ng baril ang biktima na agad niyang ikinasawi.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay kalalaya lamang mula sa pagkakakulong sa Makati City Jail noong Hunyo 24 dahil sa kasong robbery incident at paglabag sa Omnibus Election Code.
Nakalaya rin ito noong Nobyembre 2018 dahil mula sa pagkakabilanggo sa Caloocan City Jail naman dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.