KALINGA-SA kauna unahang pagkakataon, nakapagtala ang Tabuk City na isang 53-anyos na kawani ng National Irrigation Admin-istration-Kalinga na namatay sa COVID-19 sa Cagayan Valley Medical Center kahapon.
Ayon kay Tabuk City Mayor Darwin Estranero, isinailalim sa swab test ang biktima noong Oktubre 28 at lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19 noong Oktubre 31.
Kinokonsiderang symptomatic ang biktima na bukod sa ubo at soar throat ay may diabetes at hypertension kaya inilipat sa Kalinga Provincial Hospital.
Subalit, muling inilipat sa Cagayan Valley Medical Centers ang pasyente dahil patuloy na lumalala ang pneumonia noong Nobyembre 5 na siyang ikinamatay nito.
Base sa talaan, ang pasyente ay residente sa bayan ng Lamut, Ifugao na pansamantalang nanunuluyan sa NIA-Kalinga compound sa Tabuk City kung saan ito naka assign.
Nakipag-ugnayan na ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit-Kalinga sa PESU-Ifugao at CVMC para dalhin ang labi ng pasyente sa Ifugao.
Samantala, isinailalim na sa disinfection ang compound ng NIA-Kalinga at muling itinakda ang disinfection sa Biyernes Nobyembre 13. MHAR BASCO
Comments are closed.