BUTUAN – HINIHINALANG atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng isang dalagang empleyado ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA)-Caraga na natagpuan ng kanyang mga kaanak sa sala sa kanyang pamamahay.
Nakilala ang biktimang si Fe Gomez, 58-anyos, at residente ng Purok 16, Upper Mandacpan, Brgy. San Vicente sa Lungsod ng Butuan.
Pinuntahan ng kanyang mga kaaanak ang bahay ng biktima nang hindi na nila ito ma-contact pa at dito na nadiskubre ang kanyang bangkay na may sugat sa ulo.
Pinaniniwalaan ng mga kaanak na posibleng inatake sa kanyang sakit na high blood ang biktima at ang pagkabagok sa ulo ang dahilan sa natamong sugat sa ulo nito ngunit umapela ang mga pulis na ipaawtopsiya ang bangkay nito upang malaman ang totoong dahilan ng kanyang kamatayan. PM Reportorial Team
Comments are closed.