KAWATAN BULAGTA SA PNP CHECKPOINT

LAGUNA – ISA sa dalawang hinihinalang kawatan ang napatay makaraang manlaban umano sa nakatalagang miyembro ng Highway Patrol Group 4A (HPG4A) at Binan City Police sa inilatag na checkpoint sa bahagi ng Bgy. Timbao, lungsod ng Binan.

Sa imbestigasyon,bandang alas- 2:40 ng madaling araw ng Huwebes habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ni PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya at HPG4A sa pamumuno ni PCapt. Russel Onate sa ilalim ng Calax Bridge sakop ng Bgy. Timbao at tinangkang tumakas ng mga suspek sa halip na huminto ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito na nauwi sa pagtugis.

Napilitang tumalon ng backrider nito kasunod ang ginawa umano nitong pamamaril sa tumutugis na operatiba na nauwi sa pagpapalitan ng putok na siyang ikinasawi ng isa sa mga suspek habang nilalapatan ng lunas sa ospital ng Binan bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakatakas naman ang kasamahan ng napaslang na siyang target ngayon ng pulisya.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na kalibre na baril ng hindi pa nakikilalang suspek kung saan patuloy na kinikilala ito ng pulisya. DICK GARAY

Comments are closed.