CABANATUAN CITY-DEAD on the spot ang notoryus na miyembro ng robbery hold-up sa gitnang luzon partikular sa Nueva Ecija Pampanga at Bulacan makaraang makipag-engkwentro sa mga operatiba ng Bulacan at Nueva Ecija PNP ganap na alas-6 ng hapon sa Sitio Boundery Brgy, Caalibangbangan sa lalawigang ito.
Kinilala ni Acting Bulacan PNP Provincial Director Col. Rommel Ochave ang napatay na suspek na si alyas Tolits at naaresto naman ang mga kasama nito na sina Christian Soro at Reymark Hipolito ng Brgy, Samon sa naturang lungsod habang sugatan naman si Pat. Aizar Hajar na nakatalaga sa Sta.Maria,Bulacan Police Station.
Nabatid na nagsasagawa ang mga operatiba ng dragnet operation nang mamataan sa lugar ang isa sa mga suspek na sangkot holdapan sa isang convenience stores sa Brgy. Mabini Extension, Cabanatuan City nito lamang Enero 19 ganap na alas-7:15 ng umaga at Brgy. Isla, Santa Rosa, Nueva Ecija, dakong ala-1:47 ng hapon.
Gayundin,ang robbery hold-up noong Oktubre 27, 2021 sa Centro, Brgy. San Jose Patag, Sta. Maria, Bulacan.
Nakuha sa mga suspek ang isang Glock 9mm pistol,isang hand grenade,4 na heat-sealed plastic sachets ng shabu, 2 motorsiklo at iba’t-ibang IDs mula sa kanilang nilooban na tindahan. THONY ARCENAL