KAWAWA PA RIN ANG MGA TAO SA MRT

MASAlamin

SINIMULAN ang construction ng MRT-3 noong Oktubre 1996, grabe ang traffic na idinulot nito sa kahabaan ng EDSA at sa mga inner road na nakasuso rito. Siyempre, ang sabi ng gobyerno, tiis-tiis at para naman sa taumbayan ang nasabing proyekto, at kapag natapos ito ay luluwag na rin ang trapiko at magiging kumbinyente para sa mga pasahero.

Nagtiis nga ang taumbayan, lalong-lalo na ang mga taga-Metro Manila. Sa wakas, Dis­yembre 1999 ay binuksan ang unang portion ng MRT-3 mula sa North EDSA hanggang Buendia sa Makati City. Natuwa naman ang taumbayan, ngunit kalbaryo pa rin para sa mga may gamit na sasakyan dahil kinakailangang ituloy ang construction mula Buendia hanggang Taft Avenue.

Hulyo 2000 nang matapos at buksan na rin ang Magallanes Station at Edsa-Taft Avenue Station. Parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan ang taumba­yan, malamig at totoong kumbinyente naman talaga ang naging dulot ng MRT-3.

Ngunit taong 2017 na, matapos ang kaliwa’t kanang malfunction ng mga tren ng MRT-3 at maliwanag na shortage sa bilang ng tren para sa 500,000 na kataong sumasakay rito araw-araw, ay nagmumukhang nababalewala na ang hirap at sakripisyo ng taumbayan sa ilang taong ipinaghintay sa mabigat na trapiko para mabigyang-daan lamang ang construction nito. Subukan mong tumayo riyan sa may EDSA at ob-serbahan kung gaano katagal ang interval para sa pagdaan ng susunod na tren, kumbaga sa radio, ang haba ng ‘dead air’.

Taong 2019 ay ibayong pahirap pa rin  ang nararanasan sa pagsakay riyan sa MRT. Sana mabago na ang ganitong pagpapahirap sa taumbayan. Madagdagan na sana ang mga bagon at maisaayos ang mga riles para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero. Importante ang public convenience at hindi ang bilyon-bilyong kita.

Unahin ang mga pasahero, hindi ang kita.

Comments are closed.