PARANG mabibilang lang sa mga daliri ang mga kilala kong mahuhusay na kongresista.
Sila ay walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.
Kumbaga, una sa kanila ang bayan sa halip na ang kanilang mga sarili. Siyempre, isa na nga riyan si Cong. Wilbert Lee ng Agri Partylist.
Matagal ko nang lodi ang mamang ito. Super sipag ng solon na ito, mga tagasubaybay.
Aba, balita ko nga, halos hindi na natutulog si Cong. Lee. Ilang buwan pa lang sa kanyang puwesto ang mambabatas ay tambak na ang mga isinusulong niyang bills.
Kabilang na nga riyan ang itinutulak niyang pagtataas ng third party liability insurance para sa mga biktima ng vehicular accidents o ang House Bill No. 8498.
Prayoridad din ni Cong. Lee ang kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan.
“Patuloy ang ating pagsusulong ng inisyatibong mag-aabot ng agarang cash grants para sa ating 4Ps beneficiaries.
Base sa ating pag-aaral, 4.4 milyon sa ating mga benepisyaryo ay mga magsasaka at mangingisda na silang pangunahing pinagmumulan ng ating pagkain. Nararapat lamang na bigyan natin sila ng prayoridad at atensyon,” wika ni Lee.
Paliwanag ng kongresista, ang dagdag cash grants para sa ating mga 4Ps beneficiaries ay hindi limos o libre.
Aniya, ito’y pagsusulong ng health and educational grant upang maputol ang generational poverty.
“Ang ating inaabot na tulong ay may kaakibat na responsibilidad tulad ng pagsisiguro na ang kanilang anak ay nag-aaral at may regular na check-up upang masigurong sila ay parating malusog, at nang maiwasan ang stunted growth,” sabi ng mambabatas.
Sabi pa ni Cong. Lee: “Tulad po ng parati nating sinasabi, hindi natin dapat pinaghihintay na bigyang aksyon ang pangangailangan ng kapwa Pilipino.”
Para nga sa kanya, pagkain, sapat na pera, at mga programang tutulong sa kanila para makaahon sa hirap ang kailangan ngayon.
Kaya naman, hindi na raw ito dapat patagalin pa.
Mabuhay po kayo, Cong. Wilbert Lee, at God bless!