“Kay Ganda ng Pilipinas”

May golden rule ang Golden Spring Travel — do unto others what you want others do unto you. Diyan sila eksperto, ang magpasaya ng tao at magpakilala sa mundo ng magagandang lugar sa Pilipinas.

Sa huling excursion ng GST, binisita nila ang Cebu, tahanan ng unang bayani ng Pilipinas na si Lapu-Lapu.

Ayon sa kasaysayan, noong April 27, 1521, namatay ang Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan nang tamaan siya ng palasong may lason habang nakikipaglaban sa mga katutubong pinamumunuan ni Lapu-Lapu, sa Mactan.

Nagsagawa sila ng mano-manong laban (hand-to-hand combat). Pinalibutan ng pwersa ni Lapu-Lapu ang mga tauhan ni Magellan sa tatlong direksyon — harap, kaliwang at kanan. Nasugatan si Magellan sa binti. Sumugod ang mga mandirigma ng Mactan at tinusok siya ng sibat.

Bilang Travel Partner, dadalhin kayo ng GST hindi lamang sa magagandang lugar kundi maging sa kasaysayan.

Bukod sa kaiga-igayang mga lugar at ilang bahagi ng kasaysayan, nagbibigay rin sila ng ligtas at topnotch service, dahilan kaya nabigyan sila ng parangal bilang isa sa pinakamahuhusay na travel agencies sa bansa.

Sa Cebu pa lamang, matatagpuan na ang Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu, tahanan ng orihinal at pinakamatandang religious relic Pilipinas.

Matataguan din sa Cebu City ang ang Tabo-an Market kung saan makakapamili ng ipinagmamalaki nilang danggit o dried fish.

May kamahalan ang kanilang danggit, ngunit hinahanap ito ng lahat dahil sa kakaiba nitong lasa, amoy at lutong na bagay na bagay sa sinangag.

Idagdag pa rito ang mga magagandang beaches na sadyang kagigiliwan ng lahat.

Kaya kung nagbabalak kayong maglakbay sa Pilipinas at sa ibang bansa, maki­pagtulungan sa Golden Spring Travel.

RLVN